Umuwi si Juan sa probinsya at may nakita siyang isang mahabang pila.
Nakipila siya't tinanong ang lalaking nasa harap niya, "P're, anong
meron at bakit kayo nakapila?"
"Nakikita mo ba yung nasa kurtinang nasa harap ng pila?" tinuro nang
lalaki ang pinagumpisahan ng pila, "sa likod ng kurtinang 'yon, may
isang kabayo. Kapag napatawa mo yung kabayo bibigyan ka ng isang
milyong pesos."
Naghintay si Juan hanggang maging oras na niyang patawanin ang kabayo.
Pumunta siya sa likod ng kurtina, tinabihan niya ang kabayo at
binulungan. Pagkatapos niyang bulungan, biglang humalakhak nang
napakalakas ang kabayo. Nagtaka ang mga tao kung paano niya
nagawa 'yon.
Pagkalipas ng isang buwan may paalis na si Juan para bumiyahe.
Mayroon na namang panibagong pila. Nakipila na naman siya't
nagtanong, "Para saan 'tong pila na 'to?"
Sumagot ang lalaki nasa harap niya, "Naalala mo ba yung kabayong
pinatawa mo dati? Isang buwan ng hindi tumutigil sa kakatawa.
Ngayon magbibigay sila ng isang milyong pesos pag napaiyak nila
ang kabayo."
Naghintay ulit si Juan sa pila at nang oras na niya, pumasok siya
sa likod ng kurtina. Pagka bukas niya ng kurtina, nakita ng mga
taong umiiyak na ang kabayo. Nagtaka na naman ang mga tao.
Gusto niyo malaman kung paano nagawa ni Juan 'yon? Ganito...
nung unang beses niyang pinuntahan ang kabayo, ibinulong niya sa
kabayo, "Hoy kabayo... mas malaki ang ari ko sa 'yo." Dahil dito,
napatawa ang kabayo. Nung pangalawang dalaw niya sa kabayo,
hinubad niya ang kanyang pantalon at pinakita niya ang kanya.
At dahil doon, biglang napaiyak ang kabayo.