Diyos ay Pag-ibig
Pag-ibig ang siyang pumukaw
Sa ating puso at kaluluwa
At syang nagdulot sa ating buhay
ng gintong aral at pag-asa.
II
Pag-ibig ang siyang buklod natin,
Di mapapawi kailanpaman,
Sa puso't diwa tayo'y isa lamang,
Kahit na tayo'y magkahiwalay.
Koro:
Pagkat ang Diyos nati'y Diyos ng pag-ibig,
Magmahalan tayo't magtulungan,
At kung tayo'y bigo ay huwag limutin,
Na may Diyos tayong nagmamahal.
III
Sikapin sa ating pagsuyo,
Ating ikalat sa buong mundo,
Pag-ibig ni Hesus ang siyang sumasakop sa
Bawat pusong uhaw sa pagsuyo.
Repeat Koro:
....... Diyos ay pag-ibig,
........Diyos ay....pag-i-big......
__________________